Kwentong backpack

Bihira ako humingi ng pera sa mga magulang ko. Alam ko kasi na hindi kami mayaman. Naghihintay lang ako na lagyan ni mommy yung wallet ko. Kung magkano yon, pagkakasyahin ko na lang. 

Pero nung second year college ako, naglakad lakad ako sa mall. May na-ispot akong bag. Tag 800. Ang mahal, pero trip na trip ko yung bag. Maliit lang. Kulay pink. 

Pag uwi ko, humingi ako sa tito ko ng 800. Sabi ko, papa (papa tawag ko sa kanya), gusto ko po ng bagong bag. Pwede pa naman pagtyagaan yung luma pero maganda po talaga kasi yung bag. Etong si papa, galante. Pinalaki akong unica hija niya. Never pa yun tumanggi sa akin. 

Nabili ko yung bag, and to this day, mag ti three years later, yun ang gamit ko. Through ups and downs and steady moments. Minsan wala siyang laman. P.E. jogging pants at tshirt lang. Minsan sobrang bigat. DSLR, laptop, mga charger – masscom life. Minsan, regalo para sa kaibigan. Minsan, panyo ko na iniyakan. Ginawa ko na tong payong, unan, sapin, patungan, lahat lahat na.

Binili ko siya kasi maraming taong nakadrowing sa bag. Kapag trapik ginagawan ko sila ng mga kwento isa isa. Masaya yung isa dahil nakapagpatattoo siya for the first time. Yung isa, gagraduate na, cum laude pa. Yung isa, malungkot pero makakamove on rin daw siya. Marami pang iba.

Ilang buwan nang nag-gi-give up itong backpack ko. Sira na yung zipper. May ritual na para magsara. Kailangan mo hilahin back and forth ng tatlong beses sa may dulo bago mo hilahin ng isahan, tapos mabilis. 

Ang layo na ng narating naming dalawa. At sa mga panahong tulad nito, na pakiramdam ko wala akong patutunguhan, hindi ako sigurado sa daan, my bag’s still got my back. Pero pagod na siya eh. Hindi rin ako makabili ng bago. Wala akong pera. Nagresign na ako sa lahat ng raket ko. At ayaw ko na manghingi kayna mama, may mga babayaran pa kami.

Tonight nanood ako ng pelikula. Doon ko iniyak lahat ng frustration, sama ng loob, lahat ng tanong, lahat. Umiiyak pa rin ako sa jeep. Habang naglakad pauwi. Nasalo ng bag ko ang mga luha.

Pag uwi ko, may nadatnan akong regalo. Bagong bag. Matibay. Galing Japan. Kulay blue. Pangmayaman. Umiyak na naman ako. Grabe iniiyakan ko na lahat ng bagay. Pero kinukwento ko ito sa inyo dahil sa mga panahong ubos na ubos ka na, may mga patak pa rin ng biyaya. Pagod ka na pero may mga taong nagbibigay lakas. Nagbibigay ng bag. Hindi ko maintindihan kung baket sa pinanget panget ng puso at ugali ko may mga tao pa ring nagmamahal sa akin. Tulad ng kapatid kong nanglibre ng sine. O ng churchmate ko na naalala ako nung nagpunta sya ng Japan. Favorite color ko pa.

Kriz. Wag ka masyado mapagod. May mga lalakbayin ka pa.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s