Sa Kasalukuyan:

May kwento ako, friends:

Una kong nakilala ang journalism when I was in elementary. My school sent me to a DepEd competition for campus journalism, kasi magaling daw ako mag-english (napakaqualified, ano po). Siyempre hindi ako nanalo then, kasi it turns out na yung mga kalaban ko ay nagtrain talaga for the occasion hahaha.

Fast forward, High School. Isinali ako ulit. This time nagresearch kami, self-learning, ganyan. Ayun, sinwerte si mars niyo. Awa ng Diyos, naka-second place out of 50+ sa editorial writing (mga kapitbahaaaay!!!!). Pinadala ako sa regionals. Hindi ako nanalo doon. But still.

High school ko na-realize na kahit papaano, marunong naman pala ako bumuo ng sentence. Maayos naman ang spelling ko. Medyo okay na rin ang grammar. I got by with a little practice practice and a lot of encouragement from my teachers.

Actually, sumobra yata ang encouragement. Ilang beses ako nag-email sa sunstar ng mga tula, essay, at kung anek anek. Never nila ako nireplyan. (Okay lang mga bes, feeling ko panget talaga mga nasulat ko nuon HAHAHA)

Fast forward college. Sumabak akey sa iilang journalism subjects. Masaya, adrenaline rush, fulfilling bilang serbisyo sa bayan, pero I fell in love with film eh. Sabi ko, sorry, journalism, it’s not you it’s me. I just don’t belong here, I hope you understand.

Isa pang fast forward. Kahapon. Last class ko, alas otso ng gabi. Kinukwento ko sa classmate ko ang aking adventures ngayon sa internship (Hello SunStar!!! I love you). Hindi ko namalayang buong puso akong nagkwento with matching kislap sa mata. Sabi ni classmate, “Kriz, baka para diyan ka talaga”.

Insert intense flashbacks – kiddie Krizia, receiving compliments like “Mag News ka na lang”; to teenage Krizia, sitting cross-legged, emailing SunStar; to freshie college Krizia, wide-eyed and amazed, “eto pala ang media life”.

Ooooooopppps. Hi journalism. Can we start over?

P.S.

Pelikula, alam mong mahal na mahal pa rin kita okay. There is enough space for you both in this dreamer’s heart. May araw rin tayo. 💖

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s