Bakit Single Si Krizia: Reason No. 42

Breakfast, 7 AM. Si Krizia, ako, ay bagong gising, wearing an oversized t-shirt na pang-sumo wrestler; that is, kung nagti-tshirt sila. Anyway. There I was, woke-up-like-this, with hair like a smurf pero hindi blue, ganon lang ka-frizzy.

Inabot ko ang corned beef. Biglang may bumukas na pinto mula sa likuran.

Lumabas si Koya, si Koya na nagrerenta ng kwarto dito sa bahay ng Tita ko. Nagflashback sa utak ko ang mga pinagsasabi ng tita ko the other day, “ay gwapo yon, anak, kamukha ni Iñigo Pascual. Tsaka mabait iyon! Binigyan ako ng isang kahon ng tsokolate nung mother’s day” 

Binati ni Mama Becky (the aformentioned tita) si Koya, small talk, ganyan. Habang ako naman ay nalulusaw na sa upuan ko, dinadasalan ko na ng matindi si Lord, Lord, alam natin pareha ang itsura ko this morning. Makalimutan sana ng tiyahin ko na iintroduce ako sa kanya para hindi na ako humarap. Lord salamat po. Tsaka salamat rin po na masarap ang corned beef.

Mukhang effective! Pagkatapos nilang pag-usapan kung 1.) kamusta na siya, 2.) Kamusta na yung 4th degree common friend nila, at 3.) Ang panahon sa labas, nagpaalam na si Koya. Sige po tita, lalabas na po ako.

Lumabas na siya ng pinto. Nakahinga na ako, yey, walang new human interaction for today.

But, as everyone with titas know, there is no such thing as nakalimutan-kong-ireto-ang-pamangkin-ko.

Nasa labas na siya, mga kafreshness! Pero tinawag niya talaga! Ay anak! Heto nga pala pamangkin ko galing Cebu! Si Krizia, ayan magkakilala na kayo. May kakambal to, iyong nakita mo kahapon na nagdodrawing! Galing noh? 

Hindi ko madescribe ang mukha ni koya, at ang smile nya na pang-charity causes lang. Ang nasabi lang niya ay, Hello! Sige tita mauuna na po ako, habang ako ay nasa ikatlong nguya pa sa kanin at corned beef. I thought to myself, sino ba naman kasi ang may time magmukhang tao at 7 AM? Bakit hindi ako nagsuklay bago lumabas ng kwarto? Is this why I don’t meet nice guys?

One thought on “Bakit Single Si Krizia: Reason No. 42

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s