Tahan-nan

Currently: in my hometown, Caloocan.

The night before our flight, umiiyak pa ako, durog na naman ang puso, diring-diri sa sarili. Sabi ko, Lord, salamat sa get-away na ito. Just when I needed it.

Lumapag ang eroplano. Kinabahan ako. Hindi ko alam ang gagawin. Ibinuhos ko sa snapchat ang nerves ko (sa mga nakapanuod, pasensya na sa abala. Opo ganoon po ako kabahan. Haha)

Fast forward, ayan, isang linggo na pala ako rito. Hindi ko namalayan. Medyo makalat ang utak ko kaya itry natin na isa-isahin.

1.) Si Lola

Magkatabi kami ngayon sa kwarto. Nasa akin ang foam at lahat ng unan at pinakamalambot na kumot. Maulan kasi rito. Sabi niya, “ayan, anak, ikaw nalang ang mag-unan. Hindi naman ako mahilig sa unan eh”.

Machika si Lola, kinakamusta niya lahat ng naging kakilala nya sa cebu. Inisa-isa nya ang mga classmate ko nung elementary. Hinahanap nya ang manliligaw ko. Lola, wala pa po eh.

Wag ka mag-alala anak, baka naman may naghihintay rin.

Medyo nag-iba na ang ayos ng kwartong ito, magmula noong tumira ako dito three years ago. Sa isang pader nakadikit lahat ng baby pictures naming magpipinsan.

Araw-araw yata syang nagrerequest na wag na lang kami bumalik ng cebu. Araw-araw ko ring pinagdarasal na sana pumayag syang sumama sa amin sa cebu.

Paano mo ba pagsasamahin ang mga puso na iba ang kinikilalang tahanan?

Kaninang hapon pumasok ako sa kwarto. Nakita ko si lola, nagsisiyesta. Hawak-hawak niya lahat ng unan.

Lord, pagsama-samahin mo na kami, parang awa Mo na.

2. Bakanteng Lote

Sa tapat ng bahay ng mga pinsan ko, may bakanteng lote. Iyon ang parte ni Mommy sa lupa. Walang laman, hindi napatayuan ng bahay dahil sa Cebu kami nanirahan.

May mga plano plano na magpatayo na rin kami ng bahay doon, pero alam namin pare-pareho na nasa Cebu talaga ang mga puso namin.

Naisip ko na mukhang puzzle ang Ablaza family. Medyo kulang sa piraso pero hindi mo ring matatawag na hindi buo. Basta. Haha.

3. Mga Paa

Again, warak na warak ako when I came here. As in heto-na-naman-tutulo-na-naman-ang-luha-ko kind of grief, over something lost. Not to mention na alam kong kasalanan ko ang lahat, kaya I’m not exactly easy on myself. Pero, alas, hindi nauubusan si Lord ng revelations.

Last week, nagpunta kami ng Glorietta. Malay ko bang hanggang Glorietta 5 iyon, nagkandaligaw-ligaw na kaming magpipinsan. Kasalanan ko pa na hindi namin mahanap-hanap ang potato corner. Pagod na pagod na kami, gutom na, may mga paltos na sa paa. Pero tawa lang kami ng tawa.

Friend, hindi naman kailangang stress-free ang ugnayan. Minsan ang kailangan mong tao ay iyong sasamahan kang makipagsiksikan sa MRT at tatawanan ka pag nadale ka ng inertia.

Puro sugat ang paa, pero nahihilom ang puso. Dahan-dahan.

4.) Constants

Marami nang nagbago dito. Nagbibinata na ang iba kong pinsan, nagdadalaga. May kaunting pagunlad, may mga bagong tindahan, bagong kapitbahay, pero;

tumutulo pa rin ang kisame kapag umuulan
– korean dvds pa rin ang pampawi sa afternoon boredom
– magigising ka pa rin sa tunog ng pagwalis ni Lola sa hardin
– “Ate Krizia! May kwento ako!”
– paborito pa rin ng diabetic kong lola ang Baby Ruth na chocolates
–  “Weh? Alam kong may picture ka ng boyfriend mo! Wag mo kong pinagloloko Krizia, sa ganda mong yan”
– masarap pa rin ang special fried rice ng paborito kong pinsan
– Mayroong mga tao na alam lahat ng kapintasan mo, pero mamahalin ka pa rin. Ang tawag sa kanila ay pamilya.
– kahit anong kapalpakan ko sa buhay, kahit gaano kababa ang lagpak; may mauuwian ako dito sa Caloocan.

Sa anong paraan kaya ako magpapaalam na hindi ako mabibiyak sa gitna?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s