Sinner

Kamakailan lang ay nakatanggap ako ng liham, at doon nakalista isa-isa ang mga rason kung bakit isa akong karumaldumal na tao; lahat ng pagtataksil, pananakit, tatlong taon itinago at tiniis dahil raw sa pagmamahal.

Wala na ang naturing pagmamahal. Napalitan na ng galit, ng poot, at ngayon ay nasa huling yugto na. Napalitan na ng pagkawalang pakialam.

Binalikan ko ulit ang mga nakaraang taon. Pinagtabitabi ko na ang mga bersyon ng Krizia na isinumbat sa akin ng mga taong nagpasyang umalis, nagpasyang hindi na magpakita ulit. Alin kaya doon ang totoo?

Sabi ng Diyos, minahal niya tayo kahit noong tayo ay makasalanan pa. Isang linggo ko nang iniisip iyan. Iniisa-isa ko sa timbangan ang lahat ng kasalanan ko, pero hindi pa rin napapantayan. Malalim Siya magmahal. Hindi pa rin ako makapaniwala.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s