For my daughter, someday

Anak,
Magkakaroon ka ng mga gabing mahihirapan ka huminga
Hindi mo gugustuhing bumangon sa kama
At kukulog, kikidlat sa loob ng puso mo
Magkakaroon ka ng mga gabing katulad nito
Sana hindi ka masanay na umiyak ng patago
Dahil hindi naman kapintasan ang pagiging mapagmahal
Kukutyain ka nila, pero anak, hindi mali magmahal
Sana hindi ako nakinig sa kanila

Anak,
Magkakaroon ka ng mga araw na para bang
Nakakadena sa paa mo ang buong mundo
Hindi ka makakausad
Hindi ka makakatakbo
Pero ayos lang, anak
Dahil ang pagtigil ay hindi senyales ng kahinaan
Ano naman ngayon kung para bang napag-iiwanan ka na nang lahat?
Hindi ito karera, anak
Huminga ka nang malalim, umiyak, tumahan
Kapag handa ka na,
Wag kang magdalawang-isip lumipad

Anak,
Magkakaroon ka ng mga pagkakamali
Tatatak ang mga ito sa balat mo
At minsan, ipagsisigawan pa ng buong mundo
Malilimutan nila ang busilak mong puso dahil minsan ikaw rin ay nagkasala
Wag ka sanang makinig sa kanila, anak
Sana lumuhod ka agad, sa harap ng Diyos
At humingi ng patawad
Dahil sa Kanya lang naman tayo may dapat panagutan

At sana alam mo rin, anak, na mahal na mahal ka ng Diyos

Anak,
Hindi pa kita kilala ngayon,
Pero sana kapag nabasa mo ito
Malaman mo na hinding-hindi kita iiwan
At sa tuwing nadadapa at nalalaglag at humihinto ako –
Ikaw ang una kong pinagdarasal.
Sana maging matatag ka.
Sana alam mong mahal na mahal kita.
Sana, araw-araw kong maipakita at maipakilala sa iyo si Jesus
At sana,
Sana wag ka mapagod magmahal, at magpatawad.

3 thoughts on “For my daughter, someday

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s