Chika

 

O, eto na, magsusulat na after getting countless questions kung kamusta na ako at bakit wala pang bagong blog post. (Joke lang dalawa lang yata nagtanong haha)

Ang multi-faceted naman ng buhay. Saan ako magsisimula? I’ll try picking it up from where I left off…

1. Heto Na Ang Huling Tula…..

My last blog post was an excerpt from Juan Miguel Severo’s collection of poems. Sabi ng tula;

Kaya kung sakali lang na makita mo
ang puso ko na inanod na sa aplaya;
iniisip kung anong gagawin sa kanya –
itatabi, itatapon, o ipagsasawalang-bahala –
maghihintay ako sa desisyon mo.
Maniwala ka.
Maghihintay ako.
Ibalik mo sana.

At sabi ko naman, naghihintay pa rin ako.

Update: Hindi na ako naghihintay. Naisip ko lang, bakit ko naman hahayaang naka-on hold ang buhay ko para sa wala? Isa sa mga priceless mottos na natutunan ko mula sa lola ko ay, “Mahirap hintayin ang hindi naman darating.” Kaya tama na. Hindi na ako naghihintay. Hulaan nyo na lang kung tungkol saan or kanino ‘yan. Haha

2.  Forgiveness

I used to take pride in the fact na hindi ako naghohold ng grudge, at madali ako magpatawad. Na hindi ka mauubusan ng second chances sa akin.At kung grabe ang pagmamahal ko sa iyo, at ang pagpapahalaga ko sa friendship/relationship natin, I’ll be the first to extend the olive branch. Ma-pride man ako sa ibang bagay, pero hindi sa pagpapatawad.

Pero akala ko lang pala iyon.

After a series of unfortunate events, I found myself in a place where physically exhausting ang pagpapatawad. And it has to be a decision I make everyday. When a flashflood of ugly memories try to drown me, dapat kong isipin na, “Okay lang, pinatawad ko na”. Pero hindi eh. Parang hindi pa yata.

Ilang minuto pagkalipas ng hatinggabi noong aking kaarawan, nakatanggap ako ng mensahe. May humihingi ng tawad. Nagsisisi daw siya. Sana mapatawad ko daw siya.

Ilang buwan ko hinintay iyon. All those days in-expect ko na lalaya na ako, na gagaan na ang pakiramdam ko, na kapag narinig ko na ang katagang “sorry” ay makakatulog na ako ng mahimbing, sa wakas. Malaman ko man lang na nagsisisi siya, diba?

Binasa ko ang mensahe ng paulit-ulit. Wala akong naramdaman.

Ang hirap magpatawad, friends. Nakakagago. Nakakapanghina. Hindi patas, walang hustisya, ako na naman ang tanga – pero ako rin naman ang lalaya.

Lord, paturo naman. Mahirap pala talaga.

 

3. Katahimikan

Okay naman ako. Nagbabasa. Nagsusulat. Nagtatrabaho. Nagtutweet. Nakikinig ng Lemonade ni Mama Beyonce, kapag may time. Magmula noong nagdeactivate ako ng Facebook Account, naging mas tahimik ang mundo. Lalo na’t election season, maraming essay, maraming may nais patunayan. Which is, okay naman. Nakakarindi lang minsan na marami na masyadong boses, medyo haggard, medyo stress.

And I also felt like the Krizia on facebook is very superficial. Para akong nagpapanggap, kahit hindi ko sinasadya. Nakakatempt pala bumuo ng persona na okay, na perfect, na positive, and as we all know mga kababayan, that is not me. Haha

 

Kayo, kamusta na? Nakakamiss ang life conversations ng magkakaibigan. Magchika ka naman!

 

2 thoughts on “Chika

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s