Graduate na si Mama!

When I was a little girl; habang patakbo-takbo pa ako sa hardin, papitas-pitas lang ng sampaguita, nakiusap sa amin ang nanay ko na “Anak, magtapos kayo ng pag-aaral, ha.”

Lima kaming magkakapatid, at yung tatlo kong kuya, hindi raw nakatapos ng kolehiyo. Si Mama rin, hindi nakapagtapos. Hanggang 2nd year college lang daw siya.

“Magtapos kayo, ha? Para may makapagtapos naman sa pamilyang ito”

Ngayong ika-dalawampu’t tatlo ng Abril, magalak kong ibabalita sa inyo na may nakapagtapos na sa amin, at hindi ako or si Jerry dahil next year pa kami. Ngayong araw na ito, nakapagtapos ng kolehiyo si mama.

Hindi madali. Hindi madaling magpalaki ng kambal, na parehong matigas ang ulo at malakas ang personalidad. Hindi madali magpaaral at magpakain at bumuhay ng pamilya na ikaw lang mag-isa. Uuwi ka ng gabing-gabi na, maglalaba, magluluto, mangangarap.

Kinalakhan ko ang eksenang ito – sa umaga, paglabas ko ng kwarto, nasa kusina na si mama. Nagkakape. Nakatulala sa bintana, malungkot ang mata. Hindi ko rin alam kung bakit. Hindi rin ako nagkalakas ng loob na tanungin siya.

Last year, inanunsyo nya sa amin na babalik sya sa pag-aaral. Kinontra nya ang sarili niya, kaso lang may utang pa tayo, maraming bayarin, maliit lang sweldo ko, baka hindi ko kaya. Alam namin ang pakiramdam. Sabi namin, “Ma, sige lang. God will provide.”

Kaya nag-enrol siya. Tuwing Sabado, pag-uwi namin ng kapatid ko, ikukwento niya ang lessons nila. Ikukwento niya ang pagod, ang hirap, ang stress ng pagiging nanay at estudyante at the same time – pero may iba. May iba sa mukha nya. Mukha syang masaya.

Pagkatapos ng isang taon, heto na kami sa unibersidad – kinakabahan at natutuwa at naiiyak. Natutupad ang mga pangarap.

Oo nga pala, gumraduate si mama with honors. Parang cum laude, sa level nila. Natutupad ang mga pangarap.

I always thought na ang nanay ko ay mahinhin, malumanay; during my angsty teenage years naasar ako kung bakit parang ang lungkot niya lagi at ang hina, parang walang lakas. Kanina habang sinasabitan ko ng medalya ang nanay ko, narealize ko na siya ang pinakamatapang at pinakamalakas na babaeng nakilala ko. How bold it is to chase your dreams, even after raising children alone for more than 20 years. How strong she is, to wake up at dawn everyday and sleep late at night to be able to pay the bills and write her thesis. I realized that I am just like her, in so many ways, at sana, sana namana ko rin ang lakas niya, at ang hindi pagsuko sa mga pangarap.

Hindi lahat ng anak ang makakaranas ng ganitong pakiramdam – the sheer and pure joy of watching your mother fulfill her dreams, after she’s done everything to help you fulfill yours. Salamat, Lord, for showing her just how much You love her.

Ma, I am so proud of you. Sana maging kasing tapang mo ako.

image

image

3 thoughts on “Graduate na si Mama!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s