Study Out?

So kahapon I was out writing at a milktea place. It was peaceful. However mga kababayan there is one thing na kinaiinisan ko talaga, and it is when other people ask for my chairs.

Kasi diba ang table, may apat na side kasi square siya, so may apat na chair. Of course I need two, one for me and one for my bag.

Kaso lang naiirita ako kapag kinukuha ng iba yung two unused chairs. Parang nawawalan ako ng body part. Hays. Do you feel me, besh? Para akong nawalan ng outer protection. Or ng bodyguard. Parang walang James sa Jadine. Ganon.

Kulang ako kapag hindi apat ang chair na nakapalibot sa table. Dapat equal ang sistema. Feeling ko exposed na exposed na ang legs ko in plain view dahil walang panabon na chair. Hindi ho balanced.

At nakareserve yun sa “Miss, pwede pa share ng table?”. Paano na?

NGUNIT SUBALIT DATAPWAT, mga kapuso imbes na maasar ako kanina ay naintriga ako dahil ang nanghiram ng upuan ay isang *drumroll* highschool student.

Kasama niya ang barkada niya. Ang daming books sa table. Hiyang hiya na ho ang mga medical students, mga kababayan.

Nakakaaliw, kasi ang point ng studyout diba, is para makapagaral ka ng maayos kasi mahirap mag-aral sa dorm knowing na within 3 meters may sofa or kama kang mahihigaan. O di naman kaya walang wifi sa dorm, o may roommate kang magulo, etc. Kaya lalabas ka talaga.

But highschool ho sila. Nakakaaliw. Ang serious, at hindi sila naka-yellowpad, intermediate pad pa. At may isang notebook per book. Gaaah. I miss highschool. From the looks of it Chemistry yata iyong pinagaaralan nila kanina at Filipino. Go girls. Haha

Hindi ako makaganyan ganyan noong highschool ako dahil ang milktea ay 80 pesos at allowance ko na ho iyan sa isang linggo, kapag bagong sweldo si inay. Haha. Wag maarte kriz mag-aral ka sa banyo para di ka makatulog.

3 thoughts on “Study Out?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s