Truzt Izzuez

Si 2011 Krizia ay madaling maniwala. Siya ay naniniwala sa essential goodness of humanity, at pag sinabi mo sa kanyang may mga manloloko na nag-eexist sa mundo ay tititigan ka niya na para bang kinukumbinsi mo siya na lumilipad ang mga baboy. Kasi nga, according sa absolute truth na pinakawalan ni Mareng Taylor, “When you’re 15 and somebody tells you [insert noun/verb/adjective here], you’re gonna believe them

Heto ako ngayon, si 2016 Krizia. I know better, ika nga. Wala nang paligoy-ligoy pa, mga kafreshness, here’s 5 reasons why meron akong Trust Issues.

  1. 7:30 na naging 8 na naging 9

2011 Krizia: So guys, anong oras tayo magkikita bukas?

Guys: 7:30 kriz! Agahan natin para marami tayong magawa.

*kinabukasan*

2011 Krizia: *nasa meet up place na by 7:15*

*7:35 na. Okay lang baka na-traffic*

*7:40, magsesend ng GM. “Here na me! ^^*

*8:00, magsesend uli ng gm, this time to all contacts. “It’s a beautiful day noh?!?! ^^ Will be busy kasi may schoolwork ako! –gm-*

*8:30, kumakalam na ang sikmura*

*9:00, magtetext na ang guys, finally. “OMG kriz just woke up!!!! Kitakitz be there in 30*

2011 Krizia: *dying inside, pero magrereply ng “Okay lang guys! Didn’t wait that long! ^^ ^^ ^^”*

YUNG TOTOO?

  1. On Fleek!

Every few months, meron akong magical day where nagcoconverge ang panahong 1) Marami akong time 2) Wala akong gagawin 3) Marami akong pera. So sa eclipse na iyan, nagpapasalon ako. Hairspa, ganon, minsan pag may extra 50 pesos ay pedicure na rin.

Kamakailan lang ay nagpasalon uli ako. Ngayon, mga kafreshness, every single time na magpapasalon ako, pupunahin ni ate beki ang kilay ko. Masyado na daw makapal. Gusto ko ba daw ipalinis. AND I’M LIKE NO, DON’T TOUCH MY KILAY, KASI ANG ENDING NETO MAGMUMUKHA TAYONG TWINS.

But on that day I was feeling particularly charitable, kaya hala, sige, go ate beki, clean that kilay.

Kaso fam.

Mga bezzie, mga mars, mga mem.

Hindi niya basta lang nilinis ang kilay ko. Unang kiskis palang ng mahiwaga niyang blade, nasalo na ng pisngi ko ang 40% ng eyebrow hairs ko. Kiskis, kiskis, kiskis.

The thing about me, fam, is hindi ako nagsusungit sa mga ate beki sa parlor. O sa mga cashier. O taxi driver, waiter, guard, kahit ano. Hindi talaga. Kahit ba hindi ako suklian ng cashier hindi ko siya aawayin. Kahit ba naging isang oras ang 15-minutes-willing-to-wait-po-mam hindi ako magagalit.

Proud na proud na inangat ni ate beki ang murder weap—ay este ang blade niya. Nagmukha ho akong chola. I-google mo kung ano ang chola para malaman mo, wag kang tamad. 10 years too late na ho ang kilay ko.

Gusto ko ho siyang takbuhan, fam, at di magbayad, pero ang saya saya nya na magkamukha na kami. Sige na lang Ate Beki. Merry Christmas. Huhuhuhu PERO WALA KANG TIP ANO NA?!!

  1. Special Brewed Iced Tea

Let’s take a break, mga kafreshness. Eto ay happy trust issue. At hindi ito sponsored ad.

Kamakailan lang ay may nagbukas na milk tea-han sa may bahay namin. At naging paborito ko agad ang kanilang Special Brewed Iced Tea, na tag 80 pesos, tapos magdadagdag ka ng diyes para malagyan ng pearls dahil adik ako sa pearls gusto ko iulam ang pearls (ano daw?).

Yun lang ang inoorder ko doon. Wala ng iba pa. Kaso lang, mag-aantay ka ng 15 minutes kasi ibu-brew pa nila ang tea. Sosyal noh?

BUT WAIT! Di totoo yang 15 minutes. WHAT A SCAM. Yes, tinatime ko. Hindi 15 minutes iyan kundi tumatagingting na 8 minutes lang fam! Pag maraming tao, umaabot ng 12 minutes pero never pa umabot ng 15! Mabuhay ka, Infinitea!

(P.S. Dear future boyfriend, i-date mo nga ako sa infinitea at i-order mo ako ng Special Brewed Iced Tea without me asking. So I know it’s real. CHAROT. Actually, para malaman ko kung binabasa mo ‘tong blog ko noh! Hello there! Hahaha)

  1. Gasgas lines

“You take my breath away sometimes”

“Kahit stressed ka, you still look beautiful to me”

“Nooo! Hindi kaya, ano ka ba? Hindi ka tumaba! Sakto lang yan! You are perfect”

“Oh, her? Don’t worry about her, walang kami, wala na yun.”

“You know what, you’d make a good wife someday. Ilang kids gusto mo? Oh? Really? Same!”

May manual ba kayo? O go-to-guide para sa mga linyang iyan? HOY ATUPAGIN MO NGA GIRLFRIEND MO NAIISTRESS AKO SA IYO. Lakompanahon lakompake. Hahahahahahhahhuhuhu

  1. Good for one

Heto classic.

Isang gabi, pagkatapos ng isang concert, nagpunta kami ng mga kaibigan ko sa Shakey’s para magdessert. So umupo kami, ganyan, binigyan ng menu, ganyan. Sa menu may malaking picture ng waffle kyeme at banana split kyeme.

Eh fam, gutom na gutom kami, pero walang pera. Not a good combo.

So, nagtanong kami, “Kuya, pang ilang tao to?” *points to waffle*

“Ay ma’am, good for one ra na”

Ang sad, fam. Almost two hundred pesos for a waffle na good for one?!?!!?!?!?! Kaso mamatay na kami sa gutom, at nais naming magwaldas for a night. “Sige, kuya, one waffle at banana split. Magsheshare lang kaming tatlo.”

Ilang minuto ang lumipas. Dumating si waffle. Si waffle na mas malaki pa sa mukha ko at mas makapal pa sa mukha ng ex-lover mong nang-two time.

We have to be grateful, noh! Pero imagine kung nag tag-isa kami dahil sa kasinungalingan that is good-for-one at nagsayang ng 200 each kasi hindi namin maubos??!!?

Haist, capitalism po. (pero actually naubos namin siya agad, wag na tayong maglokohan. Hahaha)

One thought on “Truzt Izzuez

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s