Writer pala talaga ako

image

 

Ayan, medyo humupa na ang craziness. I look to my bedside table and see that the two trophies are still there, sitting pretty, looking calm and still and home.

I won a writing award today.

Teka, hindi pa nagsi-sink in eh.

I won a writing award today. Best Screenplay, for the Short Film Category of the Josenian Visual Media Awards 2016. Wow.

Here I am, one year after learning how to write a script for movies. Out of the newly learned skill, nakasulat na ako ng several short films, at nakashoot na ng isa, which is Napulo, which bagged the Best Screenplay Award.

Nakakatawa lang, kasi, at this very day last year, nakatunganga ako sa Chatime I.T. Park, mag-isa, nilalamig, naiiyak – kasi isang linggo na akong nagaattempt magsulat pero makinis pa rin ang page one.

In this lifetime ilang beses ko na ring naquestion ang Panginoon, kung bakit ba pagsusulat lang ang katangitanging skill/ability/talent ko; bakit ba yung iba singer sila o dancer at tuwing may family reunion at may “Pakitaan mo naman kami ng talent!”, may naipapakita sila, ako wala.

Ilang beses na rin akong nareject sa writing world, kasi not good enough, ganon.

Bakit kaya pagsusulat, na boring para sa karamihan, iilan ba ang mahilig magbasa, bakit pagsusulat, bakit nga ba pagsusulat?

Naquestion ko na rin ang Panginoon kung bakit ba aliw na aliw ako sa pagsusulat at paggawa ng pelikula, kasi sa takbo ng buhay ko ngayon parang hindi ko yata landas ang mundong iyon at minsan masakit isipin na minsan lang ako magkasya sa puzzle, hindi pa talaga tama.

Pero kanikanina lang, para bang sinabi ni Lord na, “Magsulat ka, kasi may kailangan kang ikwento, at may kailangan kang iparating sa mundo. Magsulat ka, kasi kailangan nilang malaman na napagdaanan mo rin pala ang pinagdadaanan nila ngayon, at diba, I always see you through everything? Lagi Akong nariyan sa tabi mo? Magsulat ka, Kriz, kasi kahit Ako, sinulat ko rin ang mga nais kong iparating.”

One down. Hehe. Ngayon ang kailangan ko nalang tuklasin ay kung bakit gusto ko gumawa ng mga pelikula. Tara, samahan niyo, alamin natin.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s