Ang Buhay ay isang Pelikula

Ang Pinoy ay sadyang mapanglait sa pelikula. Ewan, it comes naturally, I guess. Noong nagsusulat ako ng screenplay around this time last year, laging nasa isip ko ang “Cliche ba ito?” “Masyado kaya itong indie?” “Ano kayang comment ng manunuod?” and all those things. I went on to disregard those thoughts and just wrote the story.

Anyway, hindi naman tungkol diyan ang post ko today. Gusto ko lang magkwento ng iilang eksena sa buhay ko na parang hango sa pelikula o teleserye, mga cliche ika nga. Heto ang mga moment na napatunayan kong ang Diyos ay isang filmmaker at ang buhay ko ay isang pinoy romcom, o comedy o basta.

1. EXT. PEDESTRIAN LANE – DAY
Ako ay naka-usual masscom outfit, a.k.a. naka-school uniform na may dalang laptop at DSLR. Naka-Spotify. Hindi ko maalala ang dahilan pero malungkot ako that day (lagi naman, Krizia). Maraming tumatakbo sa isip ko, at isa ron ang kung bakit ang tagal tagal pa ng go signal para ako ay makatawid.

Natapos ang pinakikinggan kong kanta sa Spotify. Eh naka-shuffle. Ang next song ay Say You’ll Never Go ni Erik Santos (kaway kaway mga Jadine!). Napatingala ako sa kalye at napatingin ako sa kabilang dulo ng pedestrian lane. Nakita ko ron, bilad na bilad sa araw, medyo pawisan pero gwapo pa rin, ang isang almost lover a.k.a ex-crush a.k.a ako na lang, ako na lang ulit. On cue na on cue sa How can I make it through the daaaaayyyyy~~~~~~ ganon. Para bang may isang Direk Jadaone somewhere na nagdidirect.

Hindi ako napansin ng aking James Reid, I guess. Buti na lang kasi baka mabasa niya tong post na ito. Nakakahiya, bezzie. Hahahahaha

 

2. INT. PARANG BAR OF SORTS NA EWAN BASTA MAY GIG DOON – NIGHT

Ako ay pumunta sa isang gig ng isang banda somewhere (teka ba’t di ko maalala). BASTA. May kasama akong group of friends, nakihitch lang ako kahit di kami ganoon ka close. Naglalasinglasingan na sila at ako ay nakatunganga, gusto ko ng umuwi, ang baho doon, ba’t ang mahal ng iced tea doon, etcetera etcetera etcetera. May kasama akong guy friend na naka tatlong case na ata ng serbesa. Kanina pa niya ako tinititigan. So, tinanong ko siya ng:

Krizia: Hi, okay ka lang?

Guy Friend: Tapatin mo nga ako? Bakit ba hindi mo ako kayang mahalin?  Dahil ba marami akong bisyo at hindi ako nice guy? Dahil ba hindi ako pasok sa standards mo?

WOW AH NANGAMUSTA LANG AKO SAYO, BESH, ANO NA, MAY PAGTATAPAT NA NAGANAP. But, yun nga konti na lang knockout na yun sa kalasingan so sige na lang, baka nadala lang ng background music.

Additional note: Ano ba yan, napaka-rare na nga ng may magtatapat sa akin, lasing pa talaga. 

Uhm, narealize ko nga pala na ayaw ko na idetalye ang iba, so medyo ililista ko nalang. Nasubukan ko na rin ang:

  • fancy dinner (ang daming klaseng spoons mga kafreshness sa bahay namin isa lang!)
  • midnight roadtrip na kayong dalawa lang, with matching karaoke sa kotse
  • stargazing (note lang nga pala, sa mga girls diyan na younger than me. Pinaka-gasgas na pa-impress move ng lalaki ang pagname sa constellations. Please wag ka maniwala kung Orion’s belt at Big dipper lang ang alam niya okay, dahil mga 2 minutes mo lang iyan pwede i-google)
  • masulatan ng kanta (na hindi ko pinakinggan at hindi ko papakinggan ever!!!)
  • masulatan ng tula
  • maging regular recipient ng drunk texts
  • ihatid sa bahay namin pero two blocks away, kasi baka may makakita sa amin kasi may girlfriend na siya pero hindi raw sya sure at pag kasama niya ako mas sure sya sa mga bagay-bagay pero it seems na hindi siya sure enough to have the guts to meet me when the sun is up and bring me home right to our gate. (mga bezzie. Mga minamahal kong bezzie. Wag niyo hayaang mangyari to sa inyo, please. I felt like trash for two weeks. )

Teka, gusto kong ikwento iyang kabanata ng buhay ko na iyan, para naman ako na ang last na magtatanga-tangahan. One of these days.

 

 

 

5 thoughts on “Ang Buhay ay isang Pelikula

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s