Hindi Po Ako Role Model

Hello, I’m Krizia, 19, and I am not a role model.

I used to dream of being that, and admittedly I’ve been branded that many times. Noong consecutive ang pagkadeans lister ko, when I used to juggle school, social life, and work seamlessly, noong may boyfriend na lahat ng kaibigan ko at ako single – Role Model na role model.

Kahit noong bata pa ako, consistent honor student, hindi mahiyain, palakaibigan – role model na role model.

Kaso lately I realized na hindi ako role model.

Exhibit A – Last week. May meeting ako at 11 am, nagising ako ng 10. (Teka napost ko na yata ito, but kwento ko nalang ulit. Hahaha)

Late na late na late na ako, napakaimportant pa naman ng meeting na iyon, at pagpasok ko sa room ay iyon na, nakahelera na ang mga mukhang disappointed sa akin.

Exhibit B – Last year. Ayaw ko idetalye coz it hurts ya know pero I dropped out of one of my classes, something the normal Role Model Krizia would never ever do. I dropped out of that class and consequently was dropped out of the deans list and  dropped everyone who believed in me. Drop drop drop

Exhibit C – Ako ay tinaguriang leader, but in the middle of everything I shut myself down and left them hanging. Ewan ko ‘ba, how can I do that? How do you do that to people na inaasahan ka? The role model Krizia would never do that.

Exhibit D – In fairness naman sa pagiging single, noh, consistent ako diyan. Pero hindi po malinis ang puso ko. Yun lang.

So mga kaibigan, mga nanay, mga tatay – wag niyo pong ituro ang buhay ko sa mga anak niyo, ha, kung ang hinahanap niyo ay role model. Hindi po kanais nais ang buhay na to.

PERO mga beks, natuklasan ko rin na:

Sa Exhibit A – Late na late na late na ako pero sa loob ng taxi maririnig ko on cue ang Jesus Take The Wheel na para bang may musical scoring ang buhay ko. And 30 very very late minutes later papasok ako sa room of disappointed faces pero okay lang, okay lang kasi si Lord, hindi siya disappointed sa akin. And as well as at least two other people in the room.

Exhibit B – Babalik ang gana, babalik ang galak sa pag-aaral; makakaperfect ka sa microbio na quiz at makakareport ka ng maayos sa College Teaching at matatanggap mo uli ang pinaghirapan mong PR Plan na may nakatatak na Very Good. Wag na nating imention na ilang beses kang naggive up. Minor detail na lamang.

Exhibit C – Dalawang oras lang ang tulog ko pero pinilit kong bumangon at magpakita sa school, sa 8 am mass, sa whole day seminar at lectures na inorganize ng org namin. Kailangan, eh. Ayaw ko na silang i-disappoint eh. Then you’ll find yourself na humahagulgol sa mass, kasi si Father naman, kumanta ng Lord I offer my life to you, on cue na on cue sa wasak mong buhay; haharap sa iyo ang mga nadisappoint mo at sasabihan kang peace be with you with matching ngiti; Ang responsorial psalm, something like Remember the Marvels the Lord has done, and you look back at your failures and mistakes pero nandito ka pa rin, ever blessed and loved and forgiven and clean. Remember the Marvels the Lord has done.

Exhibit D – Hindi ka makakatulog, sasakit ang sikmura mo kapag naaalala mo ang mga panahong, uhm, basta. Haha. Makikita mo ang mga alaala sa jeep, sa poste, sa kalsada, at ang mga inakusa nila sa iyo ay tatatak na parang tattoo sa iyong balat. Ay, ganyan pala si Krizia? Pero, minsan rin, habang naglalakad kayo pauwi, ipapaalala sa iyo ng kapatid mo na hindi ka basta basta lang, na dapat inaalagaan ka, na dapat dumaan muna sa kanya kung sino mang lalaki yan. At nako, yang mga nakaraan na, naku wag daw makadaan daan sa kanto namin yan.

Hindi ho ako role model. But if you want to know about a life that’s broken and messed up and dirty but unimaginably loved and redeemed by God, tara, usap tayo.

5 thoughts on “Hindi Po Ako Role Model

  1. Haley

    Amazing, krizia, amazing. You have a great testimony to share that just keeps getting greater with every phase in life overcome! I love u, and Ill keep you in my prayers 😉

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s