Plot Twist

Itinulak mo ang pinto. Hindi mo inasahang siya ang unang mong makikita; dahil matagal na kayong hindi nagkikita. Hindi mo inasahang madadatnan mo siya sa kung saan siya laging umuupo kapag kayo ang magkasama, at sa kisapmatang iyon umasa ka na baka heto na, bumalik na siya.

Ngunit hindi ka niya matingnan sa mata, tila iniiwasan ka; ikaw naman, hindi mo maalis ang titig mo sa kanya. Maraming nagbago sa kanyang ayos, pero siya pa rin, tulad ng dati.

Kaso lang, hindi ikaw ang pinunta niya. Hindi rin yata niya inasahan kasi na darating ka. Iiwas at iilag  siya sa mga mata mong nagtatanong, tatayo, magpapaalam, lalabas ng pinto.

Aminin mo, umasa kang heto na ang dating gawi. Aminin mo, sa iilang minuto na iyon ay kinalimutan mo ang mga atrasong hindi ka pinatulog nang ilang linggo; sa iilang minuto na kaharap mo siya handa ka ulit maging all-out kaibigan, 2 AM kaibigan, study out kaibigan, kahit ba pinangako mo na sa sarili mong hindi mo na ibibigay ang mga bagay na hindi naman nila kayang ibigay rin sa iyo. Tulad ng pasensya. Ng panahon. Ng pagkakaibigan.

Nakakatulala, noh? Tititig at tititig ka sa upuang wala ng laman, susubukan mong buuin ang imahe niya na para bang kaya mong buhayin ang mga bagay na pinatay na. Na para bang kaya mong buuin ang imahe ng taong lumabas na ng pintuan, sa pag-asang mananatili siya kahit saglit lang. Mangamusta man lang siya.

Nakakadeflate, no? Hindi ba’t tuwang-tuwa mo sanang ibabalita sa kapatid mo ang pelikulang kakapanood mo lang?

Akala mo okay ka na, no? ‘Naku, mars, hindi pa eh. Hindi pa talaga.

One thought on “Plot Twist

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s