My Cartolina heart

image

May ikukwento ako sa inyo friends!

Valentines Day, 2014. Sa youth gathering namin, we had this huge white wall na pwede dikitan ng mga hinanakit sa lovelife. Actually any sentiment about love will do, kaso, bihira sa circle of friends ko ang walang hinanakit. Hahahahaha

We all know this one person na sadyang sawi talaga sa lovelife. Hindi rin natin maexplain pero talagang hanggang unrequited love lang siya, o pinakilig man ay iniwan rin. Kumbaga, noong nagpaulan ng pag-ibig ang mga kalangitan, nasa loob sya ng bahay, o di naman kaya ay hindi lang siya nainform.

Meron akong ganyang kaibigan. Itago natin sa pangalang Bae (hi bae!). Itong babaeng to, sadyang sawi talaga. As in. Effortless. So noong Valentines Day na iyon,  gumupit kami ng heart sa pulang cartolina, at hinati namin sa gitna. Tas nilagyan ng “Okay ra ko”, intending to inject all the sarcasm our bodies can generate.

Tinago niya yung puso na yun, nadadagdagan ang mga punit, ngayon ay 65% scotch tape na. Very tattered but held together by adhesive, na hindi rin naman naggaguarantee na never na sya mapupunit ulit.

Kanina lang, nagkita kami ulit ni Bae. May lovelife na siya ngayon. Pinamana na niya sa akin itong cartolina heart, sabi niya, “imoha na ni. Kung masakitan ka, gisia lang, but i-heal ra man pud ka ni Lord, so itape balik” (Sa iyo na to. Pag nasaktan ka, punitin no, pero dahil iheheal ka naman ni Lord, itape mo nalang ulit). At pag nalagpasan ko na daw ang sawi stage ko, ipamana ko daw sa iba

‘Nako. Bakit parang masamang pangitain ito. Hahaha. Pero besh, tingnan mo naman si Bae. She started from the bottom, now she’s here. After all the nicks and cuts and endless molding and healing sessions with God, eto na, binalato na sa kanya.

Pero uhm, medyo kinakabahan ako sa responsibilidad na ito. Hahaha

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s