Masyado kang iyakin, Kriz (and other things I told myself)

image
No, hindi po ako kumanta

Today nabigyan ako ng pagkakataon na ikwento ang highlights ng buhay ko, sa harap ng humigit-kumulang 1000 people.

Kinwento ko yung turning point ng buhay ko, aka when I rediscovered Jesus, aka when my whole life took this crazy turn and was never the same again.

Ang problema ko lang is, never ko pa yata nakwento iyan na hindi umiiyak.

So heto, kung wala ka kanina, eto ang nangyari.

7:30 AM. First Service. Hindi pa nga ako nakatungtong sa venue naluluha na ako. May halong kaba at excitement at pagkasenti, ewan. Sobrang lakas ng heartbeat ko, at napakamay ako sa dibdib, baka kasi marinig nila.

After 45 minutes ako na, pumanik ako sa entablado. Inangat ko ang mikropono. “Good morning, everyone. I’m Krizia, 19…”



The rest of my talk was a blur, hindi ko maalala.

Let me tell you something about that 7:30 AM crowd. Most of them are families, matagaltagal nang nagsisimba sa church. When I first started joining Bradford they were the ones who made me feel really warm, and looking at them nasasabi kong sana, sana one day magkapamilya rin ako na singkumpleto ng mga pamilya dito.

And most of them adopted me, in some way. There is always a hug waiting for me, makasalubong ko lang sila.

So I felt like I was talking to family. I told them about parts of my story they did not know, yung mga magulo at masakit na bahagi ng kwento, yung pagkakadiagnose ko ng sakit, yung nawalan ng trabaho si mama, yung nasunog ang bahay namin. Kawalan, kawalan, kawalan.

Kinwento ko rin yung tungkol sa iisang tao na nagmalasakit sa akin during those days – best friend ko – at kung paanong ang prayers at care nya for me ay nagbunga ng mga pagbabagong hindi ko inakala.

Kinwento ko sa kanila, na 4 years ago galit ako, galit sa Diyos, galit sa mga buong pamilya, galit sa magagandang buhay ng iba, at kung paanong nalusaw sa loob ng limang araw ang lahat ng mga kasinungalingang pinaniwalaan ko about God and about myself.

Bumaba ako sa entablado. Medyo naasar sa sarili ng slight kasi baka hindi nila ako naintindihan, iyak lang kasi ako ng iyak. Binigyan ako ng tissue ni Ate Janise, na nagtestimony rin (at umiyak rin!!!), hinagod nya ang likod ko.

Nagtext ang kaibigan ko na nasa gensan, nanuod pala sya ng livestream ng speech na iyon. Sabi nya, “pare, you made it two minutes before ka nagstart umiyak!” Langhiya. Nakatimer pala hahahaha.

Pagkatapos ng service nilapitan ako ng ilan sa mga audience. Nag-alok ng yakap. Umiiyak rin sila. Inabutan nila ako ng tissue, at hala nagsiiyakan nanaman kami. Medyo naasar daw yung ibang taga-choir kasi ano ba yan, wala silang tissue, hindi sila prepared, ang eyeliner!!! Haha

Repeat the process three more times. ‘Yan ang naging Valentines Day ko.

Napaisip ako, na heto, this is what community looks like. Hindi kami magkakadugo ngunit kami ay related sa iisang kwento – kung paano nabuo ang mga wasak naming buhay dahil kay Jesus. Yun lang ang common denominator naming lahat. At though ako ang nabigyan ng pagkakataong makapagkwento sa entablado, alam ko na lahat kami ay may mga kwentong buhay na naghihintay marinig. Hala, ihanda ang tissue. Mahaba-habang iyakan to.

3 thoughts on “Masyado kang iyakin, Kriz (and other things I told myself)

  1. so please come to our church
    where nobody’s perfect
    where beginners are welcome
    where socks are optional
    but Grace is required
    where forgiveness is offered
    where hope is alive
    and where it’s okay to not be okay.
    …really.

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s