Friday Girls

Meron akong small group of girls na weekly ko kinakamusta. Tuwing Friday night nagkakaroon kami ng pagkakataon na makapagusap tungkol sa mga latest sa buhay namin – mga gawain sa school, towards friends, mga tweet na tinatago from the outside world, mga kasalukuyang heartache, pati na rin ang mga nagbabadyang heartache, etc.

Ako ang eldest sa grupo; ang pinakabata ay pawang high school pa lamang.

Despite our mini age gap and iba-ibang personalidad, natuklasan ko na ang mga sumusunod ay sadyang universal, at least sa mga teenage girls na gaya namin:

  1. Terror teachers
  2. Science-related exams na IKAMAMATAY NA NAMIN, SWEAR
  3. That certain girl na sadyang mas better sa iyo in everything
  4. Ang need to be loved
  5. Ang desire to love

Yan lahat, among others. At isa pa sa unti-unti kong narerealize at napapatunayan ay eto: Ang pagiging tatanga-tanga ay universal, rin. Kay babata pa nitong mga kasama ko ngunit bagyo at delubyo na ang dinanas ng puso. Like me. Na kahit obvious na dead-end tatakbuhin pa rin ang daan. Kahit puro warning na, sinusubukan pa rin.

Masakit pakinggan na parang guguho na ang mundo nila sa thought na sila’y maiiwan, o ipagpapalit sa iba; ang lakas ng temptation na sabihin ko sa kanilang okay lang, bata pa naman tayo, or makakalimutan mo rin yan, pero ano nga ba ang mapapala nila sa band-aid words, diba?

Ang tanging nasabi ko lang, ‘wag matakot magmahal at masaktan – we all need the experience. Hindi ako ang pinaka-role model para sa kanila, pero ang mga sugat nila ngayon ay, thank God, scars na lang sa aking balat.

Kaya mga beshy, mga mars, mga mem – ‘wag matakot magmahal at masaktan. Gagaling rin ‘yan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s