Nakakaganda ba ang pride?

Ganito. Last year, around October, nagmamadali akong pumunta somewhere. May ka-meeting yata ako.

The problem: 1000-peso bill lang ang laman ng wallet ko at ayaw kong magtaxi

Possible solutions:
A) Magpasukli sa suking tindahan at iendure ang death glare ng tindera
B) Ibayad sa jeep ang 1000 at iendure ang death glare at litanya ng driver
C) Bumili ng something

Ayaw ko makipagtagisan ng tingin sa mga tao kaya nagpasya akong bumili ng something. Ako ay nakatayo sa harap ng 360 pharmacy, kaya doon ako pumasok. Anyway sure ako na may panukli sila.

Unang nakita ko right when I entered ay ang poster ng Myra E. At deep inside:

Ano nga yung Myra E?
Ahhh eto yung pampaganda?
Diba marami ng pumupuna sa iyo Krizia, na mukha kang stressed 24/7?
Oo nga Kriz, bilin mo na kriz!

Lumapit ako kay ate pharmacist. Sabi ko pabili ng Myra E. Tanong niya, ilan po mam?

Ilan ba kailangan bago ako gumanda? Hmmm

At dahil naiwan ko sa mga kamay ng huling ex-lover ang lahat ng self-esteem ko, sabi ko, Ate, pabili ng 15. Sabi ni ate, gawin mo ng 16 mam, may promo kami.

127 something lahat. Binayaran ko gamit ang aking 1000-peso bill, bagong bago, napakalutong.

Tinanggap ni ate ng walang judgement, walang death glare, walang litanya ang aking pera. Sinuklian niya ako.

Habang palabas ng pharmacy at pasakay ng jeep, deep inside:

Wow Krizia, you made a wise choice!
Hindi mo pinasuklian through junk food o soft drinks!
Investment mo to sa future mo!
Go krizia! Yey Krizia! Nagmamature ka na bezzie!

Dumating ako sa meeting. Medyo pawis, medyo hinihingal, pero proud na proud. Sabi ko, pasensya na, nalate ng konti, may binili kasi ako–

At doon ko narealize. Sukli lang ang tinanggap ko. Lumabas ako ng pharmacy na naka-earphones, may pa hum hum pa ng kanta, pero naiwan ko pala kay ate ang supot ng pampaganda ko.

Ano ba yan krizia! Ikaw ang exhibit a ng mga tatanga tanga hay kahit kailan talaga. Paano mo yun babalikan ng hindi ka nila ijajudge o idedeathglare? Aber? Aber Krizia?

Nainterrupt ang train of thought ko. Sabi ng kameeting ko, “Okay lang Krizia. Anyway, kamusta ka? You look really stressed”.

***sa mga nagtatanong, never ko pong binalikan ang pharmacy. Bahala na kung panget basta intact ang pride. Wag tularan, mga bata.***

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s