Dear Working Student na pagod na pagod na

Hi. I know minsan you wish na normal student ka, na nanghihingi ka lang ng tuition sa filthy rich parents mo (na dinadagdagan pa nila). Diba, minsan nakakatempt rin na magpost ng “Ugh I hate school“, kahit na love mo talaga ang school, dahil wala lang, gusto mo lang masabi yun. I know minsan you wonder kung anu-anong mga pangarap ang maaring natupad mo na sa lahat ng oras na ginugol mo sa pagtimpla ng kape, pagprint, pagphotocopy, sa lahat ng graveyard shift mo.

Kaibigan, nasa gitna ako ng klase ngayon. Nakikipagchat sa boss. Nakikinig sa discussion about DNA and RNA viruses. Gumagawa ng agenda para sa org meeting bukas. Alam kong busy ka rin dyan, tapos napadpad ka rito. O baka naman ngayon ka lang nakapahinga at nabasa mo ito.

Kaibigan, hinga ng malalim. Pikit ka, kahit 15 seconds lang. Balang araw pag nahawakan na natin ang diploma natin, baka maunawaan rin natin kung bakit natin sinakripisyo ang mga pangarap natin. Kung bakit silang lahat pastarbucks starbucks lang habang pilit nating inuunat ang 100 pesos sa isang linggo. Kung bakit ka gumagawa ng mga brochure, kahit na ang gusto mo talagang gawin ay pelikula. Kapit lang. Malapit na. 🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s