Simpleng pangarap

Uuwi ka. Pagod na pagod ka, galing meeting sa trabaho, at buong magdamag ka sa skwelahan. Sasalubungin ka ng nanay mo sa gate niyo. Balisa sya. Inaway nanaman sya ng mga taga-taas, iyong may-ari ng pinangungupahan niyo. Alam mong naiiyak na siya. Hindi mo siya matingnan sa mata. Sabi niya sa iyo, “Anak, kung pwede lang talaga tayo lumipat ngayon, gagawin ko talaga”.

Malalaglag ang puso mo sa sahig. Marerealize mo na simple lang naman talaga ang pangarap mo sa buhay – ang mabigyan ng mas maginhawang buhay ang nanay mo. Sariling bahay. Sariling kusina. Yung hindi niya kailangan makisama sa hindi niya kilala, di na niya kailangan mag-adjust sa masahol na ugali ng iba, di na niya kailangang matulala habang umiinom ng kape sa umaga at di na nya kailangang mangarap ng mas magandang buhay. Kasi naibigay mo na.

Balang araw, ma.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s