Mga Magnanakaw

image

I study in a university in Downtown Cebu City. There is a market across the school, department stores a few blocks away, as well as churches.

The Colon/Carbon Area has always been sketchy to many people – it has garnered the reputation of being unsafe. You should keep your bag close to your body. Do not wear expensive jewelry. Dress down, dress like a commoner. Bring the exact amount of cash.

Parang Quiapo, or Baclaran, maybe. I’ve been frequenting this part of town for 3 years now.

I’ve lost my wallet two times in this area and found my bag zipped open on many occasions. But apart from that, the downtown has always been safe. Homey, even. My class schedule ends at 7 or 8 pm, usually, and I’ve always felt at home under the yellow-orange tinge of lampposts. Vendors wrap their mini stores and head home. Others just lay on the floor and sleep there, already at home.

Tatlong taon na akong nag-aaral dito. Kaibigan. Makinig ka. Magmasid ka. Natuklasan kong mali ang mga napagbintangan nating magnanakaw at mali, mali ang tinutukoy nilang masamang tao.

Araw-araw pa rin akong naglalakad-lakad sa paligid. Hinahanap ko ang freshman self ko na wide-eyed at hopeful at cautious, na-kidnap yata siya kalagitnaan ng pangalawang taon ko dito.

At mali. Mali pala. Dapat pala mas natakot ako sa mga lalaking aalalayan ako sa bag ko kaysa doon sa mga manghahablot lang. Sana pala hindi ako nagtiwala, sana hindi ako pumayag na ihatid nila ako, kasi hindi raw safe, kasi mabigat ang bag ko, kasi pagod na ako.

Sana natukoy kong patibong pala ang mga linyang ganoon. Sana hindi ako nalinlang ng pakiramdam na ligtas ako kapag nandyan sila. Na ang mga yakap na pangcomfort, ay mga rehas pala.

May mga mas delikado kaysa sa mga magnanakaw o mandurukot na hindi mo kilala at most likely ay never mo na ulit makikita; sana’y nalaman ko na hindi lahat ng kriminal ay madungis at mabaho. Minsan kilala mo sila, matagal na. Matagal na matagal na.

Sa araw-araw na paglalakad ko papunta sa sakayan ng jeep, nakikita ko pa rin sila. Nakaabang, sa mga madilim na sulok. Nakasandal sa mga poste, na yellow-orange ang ilaw. Hindi ko sila matingnan. Mabilis ang mga hakbang ko, kalkulado. Nag-iiba ang hangin, bumibigat, para bang dumadagan sa dibdib ko hanggang sa mahirapan akong huminga.

Sasakay ako ng jeep, kung ano ang unang dadaan. Ipagsisiksikan ko ang sarili ko kahit puno, kahit paalis na, minsan kahit mali ang ruta. Makalayo lang ako sa mga alaala na nag-aabang sa bawat kanto. Makalayo lang ako sa mga alaalang iniwan mo sa bawat kanto.

2 thoughts on “Mga Magnanakaw

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s