Keep Writing

image
Lumad Productions, 2015 // Last Shooting Day of NAPULO

Nag-enroll ako sa MassCom, dahil wala akong ibang alam gawin sa buhay kundi ang magsulat. Sabi nila iyon daw ang kurso para sa mga nagnanais magsulat.

Sa USJ-R MassCom, may labindalawang units ng film. Second year nagsimula, sa film criticism, tapos sinundan ng video production, may screenplay writing rin, at last sem lang, film production.

Film Crit, puro reaction paper at film showing. Okay lang. Mahilig naman talaga ako manuod ng pelikula. Video Prod. Ginawa akong producer ng grupo. Output namin ay music video. Okay lang rin.

Nagbago ang lahat noong nag Screenplay writing na kami. Unang output, gawan ng screenplay ang isang youtube video, para mapraktis ang lahat ng natutunan namin na INT. BEDROOM – DAY at parenthetical at action paragraph.

Teacher ko, si Sir Kaloy. 8 am ang class namin. Siyam lang kami sa klase kasi nagsitransfer ang iba, hindi daw nila kaya ang ganoon ka-aga. Hinding-hinding-hindi ko malilimutan ang comment nya sa screenplay na iyon, sabi nya, “Wow. This is good. Wow. Short and concise and really good. Writer ka noh?

Fast forward. Final output namin ay isang screenplay for a short film, kahit ano. Kami bahala mag-imagine. Nako, 10 minutes lang yata yun na short film, pero iniyakan ko yun. Paano kung pangit? Paano kung di worth it ang pag-experiment ko? Paano kung hindi authentic? Paano kung marunong lang ako magsulat pero hindi pala marunong magkwento?

Fast forward uli, mga tatlong buwan. Lumipas ang summer break. Film prod naman kami, siya pa rin ang teacher. First meeting ng klase, pumasok siya sa classroom na walang bitbit kundi ilang piraso ng bondpaper. Ang screenplay ko.

Pinagmalaki nya sa buong klase, pinabasa nya out loud, pina-analyze niya ang kwento sa mga kaklase ko. Ako naman ay nalulusaw na sa tuwa at hiya, sa isang sulok. Sabi niya, ganito, ganito daw ang mga kwento, ganito daw ang screenplay, at kahit siya daw di mangangahas na iproduce ito dahil pang Star Cinema ang level ng kwento.

Fast forward. Nagtapos na ang semester na gumawa kami ng short film. Nagtweet si sir, sa last day namin. Sabi niya sa akin, keep writing stories, you’re good at it.

Sir Kaloy, hindi ko pa rin matanggap na 100% walang exaggeration ang papuri mo (haha). I may never have my own feature-length films in the future, pero sana malaman mo na may estudyante ka na nabago ang buhay at nakatuklas ng pangarap dahil hindi mo ipinagkait sa kanya ang mga katagang keep writing stories. Salamat, sir.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s