Pangarap, Panaginip

Nov 4 ‘15

May pinagkaiba ba
Ang mga panaginip mo
Sa katotohanang katabi mo sya
Ngayon
Naririnig mo ang kanyang
Paghinga
Tahimik
Hindi umiimik
Masaya

May pinagkaiba ba
Ang mga salitang naensayo mo na
Sa harap ng salamin
Yung, “Nais kitang makapiling
Mga katagang hindi mo mabanggit

May pinagkaiba ba sila
Sa katotohanang eto na siya
Hawak-kamay
Namamahay
Sa bisig mo

Pinangarap mo ba ang araw na ito
Na dati-rati nagaganap lamang
Sa ilalim ng talukap ng iyong mga mata

Pinangarap mo bang mangyari ito
Na may kasama ka ng matulog
At hindi na maulan
Ang kaluluwa mo

Napanaginipan mo na ba
Ang kanyang mga ngiti
Mga matang hindi makapagtimpi
Inasahan mo ba
Na magkakatotoo siya
Na magkakaron ng konsepto na
“Kayong dalawa”

Wala ng pagitan ang pangarap at panaginip
Nalusaw na
Ang realidad
Sa kanyang titig

Wag na wag kang bibitaw
Pahalagahan mo
Ang kanyang bawat galaw
Mahalin mo siya
Mula ulo hanggang paa

Magpasalamat ka
At wag na wag mong ididilat
Ang iyong mga mata

 

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s