Ang “Insidente”, Part 1.

I know, gitna na ng January. Is it too late for me to talk about the new year?

Ay, wala ka palang magagawa kasi blog ko ito (lol), so eto, may ikukwento ako sa iyo.

2016. Ilang araw na rin pala akong tulala. Dalawang linggo na rin pala ang nakalipas magmula nung “incident“. Hindi ko muna ikukwento ang naturang insidente. Pero yun nga, dalawang linggo na rin pala akong tulala, sawi, etcetera.

Eto ang mga natuklasan ko.

  1. Walang patawad ang mga alaala. Parang mga magnanakaw, akyat-bahay, parang mga manghohold up sa kalye habang nag-aabang ka ng jeep. Maari ka nilang gambalain sa gitna ng report mo sa PR Class mo habang dinidiscuss mo ang history ni Lee at Bernays. Wala silang oras. Hindi sila nagpapaalam.
  2. Ang tao ay may kapasidad na magsinungaling. Basic knowledge, ‘di ba? Pero totoo pala. At ikaw pa, na nagtiwala, ikaw pa na nagbigay sa tao ng pagkakataong paniwalaan, ikaw ang higit na masasaktan. Ewan ko ba. Parang may mali sa equation na iyon, noh?
  3. May mga taong hindi ka huhusgahan, ever. Mga hulog ng langit, mga regalo ni Lord, mga anghel.  Hindi naman perfect, minsan ay mahuhusgahan ka pa rin ng *slight*, pero sila yung tatawagan ka/itutweet ka sa madaling araw para icheck kung napano ka na. Kung naalala mo nanaman ba. Sila yung ipapadama sa iyo na, okay lang, okay lang pagluksaan ang mga bagay na akala mo’y mabubuhay ng mas matagal; okay lang magsisisi, okay lang maging tanga, at okay lang, kahit ginawa ka ng tanga. Nandyan pa rin sila.
  4. Lilipas din yan. Kung ano man yang pinagdadaanan mo. Baka ibang genre lang yan ng “incident” ko. Pero lilipas talaga yan, friend. Sa totoo lang, hindi pa lumilipas itong akin, dalawang linggo pa rin naman ang nagdaan, pero lahat ng sugat ay naghihilom rin. Hindi mo naman kailangang maging perpekto after one day, one month, one year. At sigurado ako, mamayang gabi, hindi nanaman ako makakatulog dahil sa mga alaala, mga pagsisisi, mga bagay na nais kong sabihin ngunit di ko magawa. Pero ayos lang. Huwag madaliin. Lilipas din yan.

🙂

 

One thought on “Ang “Insidente”, Part 1.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s